Mga eksperto nagpapaalala na kumain ng pagkaing sagana sa Vitamin D ngayong taglamig

Pexels by Jane Doan.jpeg

Ang itlog ang isa sa pinakamahusay na mapagkukunan ng Vitamin D. Credit: Pexels by Jane Doan

Ayon sa isang pag-aaral isa sa tatlong mga adult sa Australia ay may Vitamin D deficiency o kulang ng vitamin D ngayong taglamig. Ang Vitamin D ay tumutulong para manatiling maayos ang kalusugan, pinapatibay din nito ang immune system para makaiwas sa sakit.


Key Points
  • Kahit teenager na ang dalawang anak ni Maricel Javines Wright mula Adelaide pinapakain o pinapabaunan niya ng itlog araw-araw ang mga anak sa paaralan.
  • Halos kalahati ng populasyon ng mga adult sa Australya ay vitamin D deficient o kulang ng Vitamin D.
  • Inirerekomenda sa mga Australyano ay magdagdag ng mga itlog sa kanilang diyeta upang madagdagan ang Vitamin D ngayong taglamig.
Lumabas sa isang pananaliksik na kahit kilala ang Australya bilang isang bansang may mainit na panahon, karaniwan sa mga Australyano ay may vitamin d deficiency o may kakulangan sa vitamin D, mula 23 percent umaakyat sa 36 percent pagdating ng winter o taglamig.

Ayon kay Dr Joanna Mcmillan, isang Qualified Nutrition Scientist at Accredited Practicing Dietitian, nakukuha ang vitamin D sa sikat ng araw at tamang diyeta.

Ang pagkain ng dalawang itlog ay naglalaman ng 82% ng rekomendadong pang-araw-araw na bitamina D para sa mga matatanda.

"The sunshine vitamin is actually called vitamin D most of that reproduces in our skin when exposed to sunlight. It has an essential role in the body and this vitamin is unique because it's found in the sun and our diet. That is most important in the cooler months when diet becomes more critical when we're getting less sunlight."

"Eggs are one of the best sources of vitamin D, and eggs are affordable and versatile. A serving of just two eggs has 82% of the recommended daily vitamin D intake for adults."

Maricel Javines Wright and family.jpeg
Ginagawang juice at pinapakuluan ang mga gulay at tinimplahan ng gatas ang sabaw para masigurong makain o mainum ng mga anak ni Maricel Javines Wright mula Adelaide ang tamang sustansya na kailangan sa kanilang paglaki. Credit: Maricel Javines Wright

Ang career woman at ina na si Maricel Javines-Wright mula Adelaide ay sinisiguro na kahit teenager na ang mga anak naghahanda siya ng pagkain sa araw-araw. At sa agahan, nakahain sa kanilang hapagkainan ang itlog o kaya pinapabaon ito sa kanyang dalawang mga babaeng anak.

"Nagtatanong ako sa GP o minsan sa social media na post ng mga doktor kung ano ang kanilang dapat kainin dahil lumalaki sila at ayaw silang magkasakit lalo't winter na.

Maliban sa itlog, may gulay talaga sa aming pang-araw araw na pagkain pero kung ayaw nilang kumain ng gulay nagju-juice ako at pinapakuluan ko ang gulay tapos pinapainum ko ang sabaw nito sa kanila o kaya nilalagyan ko ng gatas para mas malasa para sa kanila, " kwento ni Maricel.


Kahalagahan ng Vitamin D sa katawan:
  • Tumutulong sa katawan na mag-absorb at mapanatili nag calcium at posphorus , parehong mahalaga para sa pagbuo at pagpalakas ng ng buto at ngipin.
  • Ipinakikita rin sa mga pag-aaral na ang bitamina D ay makababawas ng paglaki ng cellular ng kanser, nakakatulong sa pagkontrol ng mga impeksyon at nakakabawas ng pamamaga.

Mga pagkaing sagana sa vitamin D:
  • Fish (tuna, salmon, and mackerel)
  • Beef liver
  • Cheese
  • Mushrooms
  • Vitamin D-fortified foods (juice, cereals, milk, yoghurt, and soy drinks)


Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor. 





Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand