Key Points
- Ang buwan ng Mayo ang Domestic and Family Violence Prevention Month sa Australia.
- Ayon kay Atty Jesil Cajes, mahalagang maunawaan na ang karahasan sa tahanan ay hindi lamang pisikal.
- May mga batas sa Australia na pumoprotekta sa mga biktima ng karahasan sa tahanan, tulad ng Family Violence Orders (FVOs) at Apprehended Domestic Violence Orders (ADVOs).
Paliwanag ni Atty. Jesil Cajes, isang family lawyer at tagapagtaguyod ng karapatang pantao, mahalagang maunawaan ang sariling karapatan at makakuha ng legal na suporta bilang unang hakbang patungo sa kaligtasan at hustisya.
May mga batas sa Australia na nagbibigay-proteksyon sa mga biktima na naglalayong ilayo ang nang-aabuso sa biktima upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Binibigyang-diin din ni Atty. Cajes ang kahalagahan ng consent o pahintulot sa anumang relasyon.
Even if you're married or in a committed relationship, consent is necessary in every sexual interaction. Anything nonconsensual can be considered assault and may lead to serious legal consequences.Jesil Cajes, Lawyer
Ang mga helpline at serbisyo ng suporta tulad ng 1800 RESPECT at Lifeline Australia ay bukas 24/7 para sa mga nangangailangan.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang legal practitioner sa Australia.
READ MORE

Breaking Our Silence
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.