Key Points
- Ang pagsasalu-salo tuwing panahon ng pasko ay bahagi na ng tradisyon at kultura ng mga Pilipino.
- Sayawan, mga laro, pagkain at pagbibigayan ng regalo ay bahagi ng pagdiriwang ng Pasko.
- Ang may mga kapansanan at matatanda sa Australia ay binibigyang halaga sa komunidad.
Ang 78 taong gulang na si Lola Daisy Ann Gonzales mula Sydney ay aktibo sa komunidad. Sa kasalukuyan, inatasan ito ng Rotary Club International ng America na maging Ambassador ng New South Wales para sa RAGAS o Rotary Action Group Against Slavery.

Nasasabik si Lola Daisy Ann Gonzales (L) tuwing Pasko dahil maliban sa pagsasalu-salo kasama ng kanyang mga anak at apo, nakakasalamuha din niya ang mga kaibigan at bagong mga mukha sa komunidad na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon na mabuhay. Source: Ery Rivera
Subalit, iba pa rin umano kapag nakadadalo ng mga pagtitipon ng mga Pilipino lalo na tuwing Pasko.
“Gustong gusto ko talagang pumunta sa mga party dahil dun ko nakikita ang mga kaibigan ko. Feeling ko, ang saya ko, kasi nafe-feel ko mahal ako ng community."

Junel Bagus kasama ang support worker na si Edison Rivera sa dinaluhang Christmas party. Source: Ery Rivera
"Palaging puno ng kantahan, sayawan, pagkain, palabok - yan ang inaabangan ko sa mga party."
Maliban sa pagsasalu-salo, ramdam umano nito na mahalaga sila at nagbibigay ito ng inspirasyon para mabuhay.
"I felt loved by everybody, and there was happiness among the members and the family. I love meeting new people. They are like my family," kwento ni Junel.

Ayon sa mga nurses at Directors ng Heartcare Health Services (L-R) Laarni Zaragoza, Joan Jegajo, Madonna Ponce at Abegail de Leon itinuturing nila na pamilya ang kanilang mga inaalagaan. Source: Ery Rivera
"Kasi minsan alam nila na kapag may disabilities, ramdam nila na hindi na sila part ng community, hindi sila pinapansin ng mga tao. So ang goal namin ay ma- express nila ang sarili nila at makahalubilo sila sa ibang tao."
And as a person, I feel so bad and sad about it. Whenever I am with them, I treat them as my family - so they feel they are loved, they are important, and they are cared for."