COVID-19 pandemic nagbigay-diin sa mahusay na trabaho ng mga nars: 'Someone’s life depends on us'

International Nurses Day

Registered nurse Mary Ann Alfonso Source: Supplied

Higit kailanman, ang pandemya ng COVID-19 ay binigyang-diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga nars sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga tao sa buong mundo.


Highlights
  • Sa kinakaharap na COVID-19 pandemic nitong 2020 nakita kung gaano ka-kritikal ang gawain ng mga nars sa pagtiyak ng kalusugan at kaligtasan ng ating lipunan.
  • Kahit bago pa man ang pandemya, matibay na pangangalaga na ang ipinapakita ng mga nars sa kanilang ibinibigay na tender loving care (TLC) sa mga pasyente. Paggalang ang pinakamahusay na paraan para maipakita ang pasasalamat para sa mga frontliners sa buong mundo.
  • Idineklara ng World Health Organization ang 2020 bilang International Year of the Nurse and Midwife bilang pagkilala sa kanilang walang pagod na trabaho.
Sa kritikal na tungkulin ng mga nars sa pagsasagawa ng mga iniuutos ng mga doktor para sa paggamot at paggaling ng mga pasyente, binigyang-diin ng registered nurse na si Mary Ann Alfonso kung gaano kahalaga na kilalanin ang walang pag-iimbot na gawain ng mga agaw ng mga nars.

"Someone’s life depends on us,” ani Blacktown Hospital General Medical nurse, at dagdag niya na "oo, doctors give orders, but nurses carry out the tasks needed for patients". 

 

 

25 taon na sa industriya ng nursing, batid ni Gng. Alfonso kung gaano kahalaga na kilalanin ang mahusay na gawain ng mga nars.

Bago pa man ang pandemya, "kami (mga nars) ay nagtatrabaho para sa inyo, matiyak na ginagawa namin ang aming trabaho nang tama" para sa pagprotekta sa aming mga pasyente sabi ni Gng Alfonso na nakapagtrabaho sa iba't ibang mga ospital sa Pilipinas, sa UK at ngayon sa Australia.
"Nursing is a noble profession. We value respect and professionalism in our work," diin ng nars mula Sydney, at nagsabi na nalulungkot na marinig na "nurses are being disrespected at shopping centres, or groceries".

Bilang mga frontliner sa panahon ng coronavirus pandemic, may mga insidente kung saan maraming mga nars ay nakaranas ng diskriminasyon habang natatakot ang ilang tao na sila ay maaaring may dala o makahawa ng virus.

Ang 2020 ay idineklara ng World Health Organisation bilang International Year of the Nurse and the Midwife bilang pagkilala sa mga gawain at kontribusyon ng mga nars at midwives para sa mga pasyente at sa sa mas malawak na sistemang pangkalusugan at pati na rin ang mga panganib na nauugnay sa kakulangan ng mga nars

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand