Dahil sa kahirapan sa Pilipinas, nakipagsapalaran ang tubong Ilocos Sur na si Esther Peru-Hoy bilang domestic helper sa Hong Kong upang suportahan ang pamilya, hanggang sa mabigyan ng pagkakataong magsimula ng bagong buhay sa Australia. Sa Queensland, hinarap niya ang diskriminasyon at matitinding hamon, ngunit sa pamamagitan ng tiyaga at determinasyon, pinatunayan ng chef at café owner ang kanyang kakayahan at hangand na maging inspirasyon sa maraming kababaihan at migranteng Pilipino.
Key Points
- Sampung taon na nagtrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong si Esther Peru-Hoy, kung saan sinuwerte siya sa kanyang amo na sumuporta sa kanya at pinag-aral siya ng iba’t ibang kurso sa disability at aged care.
- Noong 2009, lumipat siya sa Australia matapos siyang alukin ng kasal ng kanyang asawang si Richard Hoy, na isa ring chef.
- Sa kanyang mga unang taon sa Gold Coast, hinarap ni Esther ang diskriminasyon kaya lalo siyang nagpursige—nag-aral muli ng hospitality, culinary, at management. Sumali rin siya sa iba’t ibang barista competitions upang maipakita ang kanyang kakayahan at maitaguyod ang kababaihan sa industriya.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




