Francis Sollano, walang-tigil sa pagtataguyod para sa kapaligiran sa kanyang sining na gawa mula basura

Francis Sollano at the Design Canberra

Francis Sollano in one of the events of Design Canberra Source: Rachael Coghlan/Design Canberra

Iniikot ang US, Asya at Australya, patuloy ang Filipino trashion artist, social entrepreneur at humanitarian Francis Sollano sa pagtataguyod ng kamalayan para sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng kanyang sining na gawa mula sa mga basura.


Ang alagad ng sining mula Cebu City ay nagbabalik sa Canberra nitong Nobyembre para sa isang mahalagang papel para sa DESIGN Canberra bilang city curator, pinipili ang pinakamahusay na mga gawa ng mga lokal na alagad ng sining na binabago ang mga bukas na espasyo sa Canberra at nagsagawa ng isang sustainable design workshop para sa mga mag-aaral sa hayskul.
Francis Sollano at the Design Canberra
Francis Sollano (left) with ACT Legislative Assembly Member Shane Rattenbury MLA (Design Canberra Facebook page) Source: Design Canberra
Sa kanyang pahinga siya ay dumalo sa unang Family Fair Day na ginawa sa Philippine Embassy sa Canberra kung saan kanyang itinampok ang ilang produktong gawa mula sa kanyang social enterprise na Youth for a Livable Cebu.

Bago nagtungo sa Downunder, kasam ng ibang bansa sa Asya, siya ay nagtungo sa New York para sa isang eksibisyon ng kanyang mga naisusuot na damit na gawa mula sa mga basura na ginanap bilang bahagi ng World Economic Forum na dinaluhan ng maraming pinuno ng mundo.
Francis Sollano at the Design Canberra
Hilde Schwab, Chairperson and Co-Founder for Social Entrepreneurship, and Head of the Arts of the World Economic Forum as Francis Sollano describes his work (Supplied by F Sollano) Source: Supplied by F Sollano
Francis Sollano at the Design Canberra
Cheryl Martin, World Economic Forum Executive Committee Member, closely looks on the wearable dress made by Francis Sollano (left) exhibited in New York (Supplied by F Sollano) Source: Supplied by F Sollano



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Francis Sollano, walang-tigil sa pagtataguyod para sa kapaligiran sa kanyang sining na gawa mula basura | SBS Filipino