- Paano maging early childhood educators ang mga migrante sa Australia?
- Anong mga kwalipikasyon ang kailangan para makapagtrabaho sa early childhood education?
- Ano ang mga qualification pathways para makapagtrabaho sa early childhood education?
- Pwede ka bang magtrabaho sa childcare habang nag-aaral sa Australia?
- Gaano katagal bago makuha ang Certificate III in Early Childhood Education and Care?
- Anong tulong o suporta ang pwedeng makuha ng mga migrante na nagsisimula ng career sa childcare?
- Ano ang mga job opportunity sa early childhood educator sa Australia?
- Kailangan bang mahusay sa wikang English para makapagtrabaho sa early childhood education?
- Bakit mahalaga ang pagkakaiba-iba o diversity sa early childhood education sector sa Australia?
Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga praktikal na payo mula sa Work in Progress, isang serye sa Australia Explained na naglalahad ng mga kwento ng skilled migrants na bumubuo ng makabuluhang career sa Australia. Makinig sa buong serye para sa higit pang mga kwentong nagbibigay-inspirasyon at gabay mula sa mga eksperto.
Sa pamamagitan ng kwento ni Cindy at payo mula sa isang industry expert, layunin ng episode na ito na gabayan ka sa paghahanap ng tamang landas patungo sa career mo sa early childhood education.

CINDY WORKING IN AUSTRALIA
Si Gia Hoai Tran, na mas kilala bilang Cindy sa Australia, ay nagmula sa Vietnam at nagtayo ng kanyang career sa early childhood education. Habang kumukuha pa lang ng certification, nagsimula na siyang magtrabaho sa larangan at mabilis na umangat. Ngayon, bahagi na siya ng mahalagang workforce na tumutugon sa lumalaking pangangailangan ng Australia para sa mga kwalipikadong guro o qualified educators.
Paano ka magiging early childhood educator sa Australia?
Si Cindy ay nag-migrate mula sa Vietnam at nagsimulang bumuo ng kanyang career sa early childhood education habang kinukumpleto pa ang kanyang certification. Dahil sa sipag at tiyaga, mabilis siyang umangat sa larangan at naging bahagi ng mahalagang workforce na tumutugon sa lumalaking pangangailangan ng Australia para sa mga qualified educator.
Ayon kay Michael Petrie mula sa Australian Children’s Education and Care Quality Authority (ACECQA) “We’ve had a strong promotion of multiculturalism and a real emphasis on valuing people from different cultural backgrounds.”
Ang ACECQA ang opisyal na ahensiyang nagsusuri para sa Migration Skills Assessment, ito ay isang requirement para sa mga migrante na gustong mag-apply ng skilled visa.

CINDY WORKING IN VIETNAM
Anong mga kwalipikasyon ang kailangan para makapagtrabaho sa early childhood education?
Dumating si Cindy sa Australia para mag-aral ng kursong business. Pero di nagtagal, natuklasan niya na mas gusto niyang magtrabaho kasama ang mga bata kaya nag-enroll siya ng Certificate III in Early Childhood Education and Care.
The minimum requirement to work in a centre-based service—such as long day care, preschool, or kindergarten—is a Certificate III in Early Childhood Education and Care.Michael Petrie
Bukod pa rito, kailangan ding kumpletuhin ni Cindy ang:
- Working with Children Check (mandatory ito sa lahat ng estado at teritoryo).
- Certified First Aid course mula sa ACECQA-approved provider.
Habang nakakakuha ng karanasan o experience, sinimulan ni Cindy ang pag-aaral para sa kanyang Diploma in Early Childhood Education and Care, na nagbukas ng pagkakataon para sa mas mataas na posisyon.
Ano ang mga kwalipikasyon para makapasok sa career sa early childhood education?
Ang early childhood education sa Australia ay may malinaw at step-by-step qualification pathway para sa mga gustong magkaroon ng magandang career:
- Certificate III in Early Childhood Education and Care – ang entry point para makapagtrabaho bilang educator.
- Diploma of Early Childhood Education and Care-nagbubukas ito ng mga pagkakataon para sa mas mataas na posisyon, tulad ng lead educator o room leader.
- Bachelor of Early Childhood Education (or Teaching) – ang kwalipikasyon para maging Early Childhood Teacher (ECT), na nagbibigay din ng chance para sa leadership, paggawa ng curriculum, o management.
Sa pathway na ito, maaari kang magsimulang magtrabaho habang nag-aaral, makakuha ng praktikal na karanasan, at unti-unting umangat sa mas mataas na posisyon habang nadadagdagan ang iyong kwalipikasyon.
Elizabeth Death, CEO of the Early Learning and Care Council of Australia (ELACCA).
Maari ka bang magtrabaho sa childcare habang nag-aaral sa Australia?
Oo — maraming estudyante ang nagta-trabaho habang nag-aaral. Nagsimula si Cindy sa kanyang unang trabaho sa isang childcare centre habang tinatapos pa ang Certificate III niya.
Bagamat mahirap pagsabayin ang bayad sa tuition at gastusin sa araw-araw lalo na sa panahon ng cost-of-living crisis, naging advantage para sa kanya ang karanasan niya sa childcare sa Vietnam.
There were times I felt like quitting, but with more experience, you can move into better roles, with better pay.Cindy
Ilang buwan lang ang lumipas, na-promote si Cindy bilang room leader, kung saan siya ang nangunguna sa isang grupo ng mga educator habang nagpapatuloy pa rin siya sa pag-aaral.
Gaano katagal bago makuha ang Certificate III in Early Childhood Education and Care?
Karaniwan, mga isang taon ang tagal para makumpleto ang Certificate III. Maraming estudyante ang ginagawa ito kasabay ng work placement o internship para makakuha ng hands-on experience habang nag-aaral.

CINDY WORKING IN AUSTRALIA
Anong suporta ang pwedeng makuha ng mga migrante na nagsisimula ng career sa childcare?
Anong suporta o tulong ang pwede makuha ng mga migrante na nagsisimula ng career sa childcare?
Sabi ni Elizabeth Death, CEO ng Early Learning and Care Council of Australia (ELACCA), maraming paraan at puwesto para makapasok sa larangan:
Minsan, nakakapagtrabaho muna ang mga estudyante sa Outside School Hours Care (OSHC) bago pa man makumpleto ang kanilang kwalipikasyon.
May ilang provider naman na tumutulong sa bahagi ng gastusin sa pag-aaral at nagbibigay ng oras para makapag-aral.
“There's a shortage across our whole sector."
“Now is exactly the time for someone to say: ‘I have the commitment; I can support diverse communities—will you help me?’”
Ano ang mga job opportunity sa early childhood education sa Australia?
Kulang ang mga educator sa sektor na ito, at kailangan ng higit 20,000 pang dagdag sa madaling panahon. Tinutulungan ng mga migrante tulad ni Cindy na punan ang puwang na ito.
Mula sa mga early childhood centre sa mga malalaking lungsod hanggang sa mas maliliit na lugar sa probinsya, maraming oportunidad para sa mga kwalipikadong educator sa buong Australia.

CINDY WORKING IN VIETNAM
Kailangan bang mahusay sa wikang English para makapagtrabaho sa early childhood education?
Bagamat mahalaga na mahusay sa wikang Ingles o English, ang pagiging multilingual ay kinikilala bilang isang malaking bentahe.
Sa classroom ni Cindy, nagsasalita ang mga bata ng Korean, Japanese, Vietnamese, at iba pang mga wika kasama ng English. Kahit minsan nahihirapan si Cindy sa English, sabi niya, lagi siyang sinusuportahan ng mga pamilya at kasamahan niya.
People who have English as a second language and a different cultural background — that’s their superpower. Language and culture add value to the early childhood sector, rather than being a hindrance.Elizabeth Death
Bakit mahalaga ang pagkakaiba-iba o diversity sa early childhood education sector sa Australia?
Dahil apat sa bawat 10 educator ay mga migrante, nagiging mahalagang bahagi ang diversity sa sektor.
“Language and culture are what will build value within the sector,” paliwanag ni Elizabeth. “We need a workforce that reflects our diverse communities.”
Disclaimer: Ang kwento ni Cindy ay isang halimbawa lang ng career journey sa early childhood education. Ang mga payo sa artikulo at podcast na ito ay tama noong inilathala. Para sa pinakabagong impormasyon at para malaman kung ano ang akma sa iyong sitwasyon, bisitahin ang Australian Children’s Education & Care Quality Authority (ACECQA),o ang Department of Home Affairs migration-related advice.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.













