Hindi man naiuwi ng 13-anyos na singer-songwriter Pixie Minerva ang first place sa isang singing competition, ang karanasang iyon ang nagbukas ng mas mahalagang pinto—ang makilala ang mga taong naniwala sa kanyang talento, nagbigay sa kanya ng pagkakataong ma-record ang kanyang unang kanta, at nagbukas ng sunod-sunod pang oportunidad sa kanyang music journey.
Key Points
- Bagama’t hindi nag-first place si Pixie Minerva sa sinalihang unang kompetisyon naging daan naman ito para sa isang oportunidad na nagbigay ng bagong direksyon sa kanyang music journey.
- Para kay batang artist na si Pixie at sa ina nito na si Josephine, mahalaga ang talento sa industriya ng musika at ganundin ang makakilala ng mga taong magtitiwala sa iyong potensyal at handang tumulong upang mabigyan ka ng pagkakataong makapasok sa recording.
- Mula sa kanyang unang recording, naging mahalagang milestone ito sa simula ng karera ng dalaga mula Central Coast NSW bilang singer-songwriter; nakapaglabas na ito ng tatlo sa kanyang mga original song.
Ayon sa ina ng dalagita na si Josephine, nagsimula ang lahat sa isang local songwriting competition na sinalihan ng anak sa kanilang lugar sa Central Coast, New South Wales.
"She didn’t win the first place but she won a runner-up prize but has a free recording. That was really lucky and really a good blessing that started it off and she has a song ready and she felt comfortable with that studio and she has worked with an amazing producer".
Finding the right people to work with is just as important as nurturing Pixie’s talent—especially while she is still young. Having a supportive team she trusts means Pixie can develop her music without feeling pressured or overwhelmed.Josephine Sicad-Minerva, mum of homeschooler Pixie Minerva

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.



