Ayon kay Dr Angelica Logarta-Scott karaniwang sintomas ng perimenopause at menopause ay brain fog, hirap makatulog, irregular ang periods, hot flushes, night sweats, chills, formication o parang may langgam o insekto na gumagapang sa balat kahit wala naman, depression, mood swings, muscle at joint pain.
Key Points
- Ang Sydney-based social worker na si Gyllen Sanchez ay unti-unti ng nakakaramdam ang karaniwang sintomas ng perimenopause.
- Ayon kay Dr Angelica Logarta-Scott, individualised ang ginagawang management at treatment perimenopause, menopause at postmenopause kaya mainam na kumonsulta sa doktor.
- Ayon kay Kerry Warren, editor ng News.com.au, layunin ng kanilang Fire Up campaign ang agarang reporma upang mas suportahan ang mga kababaihan sa kanilang pagdaan sa menopause.
Nagsisimula na akong makaramdam ng early signs ng perimenopause, hirap akong matulog at hot flushes. Hindi pa ako nakakapagpatingin, pero malaking tulong ang support ng pamilya at mga katrabaho. Nagwa-walking din ako at umiinom ng vitamins para maibsan ang nararamdaman ko.Gyllen Sanchez, social worker
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





