My heart is still in the Philippines: Sister Patricia Fox

Sr Patricia Fox

Sr Patricia Fox with the children Source: Facebook page: Hands off Sr Patricia Fox

“My body is here but my heart is still in the Philippines at this stage."


Ilang buwan matapos ng pagbabalik ng Australyanang madre sa Melbourne, kanyang inamin na ang makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay isang magandang karanasan para sa kanya ngunit kanya pa ring naiisip na ang buhay niya ay hindi dito – ang buhay niya ay kasama ng mga taong nasa Pilipinas.

Every time I hear something happening in the Philippines, you know I want to be back there with them,” saad niya.

Si Sr Fox, na maitutulad kay Mother Teresa, sa kanyang pagsisikap na matulungan ang mga mahihirap sa malalaking siyudad at probinsya ay magpapatuloy sa kanyang apila na makabalik sa Pilipinas ngayong taon.
Sr Patricia Fox
Sr Pat Fox on her younger days Source: Facebook page: Hands off Sr Patricia Fox
Ang misyon ng Katolikong madre ay hindi pa rin tapos hanggang ngayon; nais niyang lumaban para sa mga misyonaryo na hindi sila pagkaitan ng pinakamahalagang bahagi ng kanilang trabaho – at ito ay pakikibahagi sa mga isyu tungkol sa hustisya.

Siya ay tumatayo rin para sa mga hindi mamamayan ng Pilipinas, na sila ay mabigyan ng pantay na karapatan sa kalayaan sa pamamahayag, relihiyon at pagkilos.

Simula ng siya ay bumalik sa Australya, si Sr Pat ay umikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa pati na rin sa ilang mga unibersidad kung saan siya’y binigyang paayayang magsalita.

Ang Katolikong madre ay nagpapakalat ng kamalayan sa iba’t ibang isyu sa Pilipinas na kinabibilangan ng mga taong natatamaan ng paglaban ng pamahalaan sa droga, mga aktibidades ng kompanya ng minahan ng Australya at ilang maling gawi sa bahagi ng militar ng Australya na may kaugnayan sa ‘Batas Militar’ na nagaganap pa rin sa bansa.
Sr Patricia Fox
The Mission Continues: Sr Pat visits the farmers at Lupang Ramos Source: Facebook page: Hands off Sr Patricia Fox
“We shouldn’t have anything to do with the military when there’s a situation [like] a Martial Law, with the military in the Philippines training a paramilitary who are brutal apart from the military themselves," aniya.

Siya ay nanawagan para sa eksaminasyon ng konsensya.

“We’re not going to continue that as long as there’s a Martial Law, as long as the human rights are not being respected,"aniya.
Sr Patricia Fox
Sr Pat Fox helping out with the Filipino community Source: Facebook page: Hands off Sr Patricia Fox
Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa 2018, ibinahagi ni Sr Fox kung paanong ang pag-apila niyang manatili sa Pilipinas ay binigyan siya ng masama at mabuting epekto; naging puno man siya ng pag-aalala naging magandang mga oras din ito para sa kanya dahil hindi niya inaasahang makatanggap ng suporta mula sa mga Pilipino.

“Even the people from the street in the Philippines would come up to me and say, ‘oh, we’re praying for you, we hope you can stay,’ and I never met them before. It was amazing that way. I’m going to miss the selfies because everybody takes selfies,” saad niya habang binabalikan ang mga alaala ng bansang kanyang pinagsilbihan ng tatlong dekada.
Sr Patricia Fox
Sr Patricia Fox having a selfie with the Filipinos Source: Facebook page: Hands off Sr Patricia Fox
Sa bagong taon, ang Australyanang madre ay umaasa na siya ay higit na lalaban para sa hustisya. Kanyang tinawag ang kooperasyon ng lahat na mas magtrabaho para sa kapayapaan at hustisya sa buong mundo.

BASAHIN DIN


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand