Nursing sa Australia: Ano ang proseso, magkano ang gastos, at anong oportunidad ang naghihintay?

WIP_nursing_stock_pop.jpg

Between 2023 and 2024, registrations for international nurses in Australia surged by nearly 50 per cent compared with the previous year and have tripled since pre-COVID levels.

Alamin kung paano makakapagrehistro ang mga nurse mula overseas upang makapagtrabaho sa Australia. Tuklasin ang mga kinakailangan ng NMBA, mga pagsusulit gaya ng OSCE, gastusin, takbo ng proseso, at mga oportunidad sa trabaho para sa mga international nurse.



Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga praktikal na payo mula sa Work in Progress, isang serye sa Australia Explained na naglalahad ng mga kwento ng skilled migrants na bumubuo ng makabuluhang career sa Australia. Pakinggan ang buong serye para sa higit pang mga kwentong nagbibigay-inspirasyon at gabay mula sa mga eksperto.

Sa pamamagitan ng kwento ni Martina Ferri, isang nurse mula Italy, at mga payo mula sa mga eksperto, tatalakayin sa episode na ito ang mga tunay na hakbang para makapagsimula ng karera sa nursing sa Australia-mula sa mga pagsusulit at bayarin hanggang sa mga benepisyo at oportunidad sa trabaho.
Tumatanggap ngayon ang Australia ng rekord na bilang ng mga international na nurse, na libu-libong dumarating bawat taon upang tulungan palakasin ang sistema ng kalusugan. Ipinapakita nito ang matinding pangangailangan ng bansa para sa mga skilled professional, na mahalaga sa pagpuno ng mga kakulangan sa workforce sa ospital at pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa buong bansa.
Martina Ferri today, working at the at Women's and Children's Hospital in Adelaide..jpg
Martina Ferri - a nurse working at the at Women's and Children's Hospital in Adelaide.

Bakit mataas ang demand ng international nurses sa Australia?

Sa pagitan ng 2023 at 2024, tumaas ng halos 50 porsyento ang rehistrasyon ng mga international nurse sa Australia kumpara sa nakaraang taon, at ito ay triple na mula pa noong panahon bago ang COVID. Ang taas ng demand ay nagpapakita ng tumitinding pangangailangan para sa mga skilled nurses, pati na rin ng malaking ambag ng mga international professionals sa health care system ng Australia.

Isa sa mga nurse na ito si Martina Ferri, na ipinanganak sa Italy. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa Women’s and Children’s Hospital sa Adelaide. Bagamat mataas ang pangangailangan para sa mga skilled nurse, ang proseso ng pagkuha ng rehistrasyon ay maaaring maging mahaba, magastos, at komplikado. Mahigit dalawang taon ang inabot niya upang makamit ang rehistrasyon, isang proseso na nagsimula pa noong siya ay nasa Italy.

Ano ang mga kinakailangan para maging qualified nurse sa Australia?

Sinimulan ni Martina ang pagpapa-validate ng kanyang kwalipikasyon bilang nurse habang nasa ibang bansa pa siya. “You can start this process even if you’re not in Australia,” paliwanag niya.

Ang unang hakbang ay ang pag-recognise sa iyong kwalipikasyon ng regulatory body sa iyong sariling bansa. Para kay Martina, inabot siya ng mahigit isang taon upang makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento.

Upang makapagtrabaho bilang nurse o midwife sa Australia, kailangan mong:
Midwifery Board Australia 1024
The Nursing and Midwifery Board of Australia (NMBA) Chair, Veronica Casey. Credit: Rob Little/Colour by RLDI

Maaari ba akong mag-apply para sa registration bilang nurse sa Australia kahit nasa ibang bansa?

Oo — maaaring simulan ang proseso bago ka lumipat sa Australia.

Ipinaliwanag ni Veronica Casey, Chair ng NMBA, na ang rehistrasyon at imigrasyon ay dalawang magkaibang proseso.
“They are integrated, but they are not the same system. It’s important to understand that distinction when you’re planning your journey."

Tinutulungan ng NMBA’s online self-assessment tool na linawin ang mga kinakailangan tulad ng criminal history at patunay ng kasalukuyang karanasan sa propesyon.

Gaano katagal ang proseso ng pagkuha ng registration bilang nurse sa Australia?

Nagkakaiba-iba ang haba ng proseso depende sa bansang pinagmulan at personal na kalagayan. Para kay Martina, umabot ng mahigit dalawang taon ang buong proseso. Para sa iba, maaaring mas maikli, ngunit ayon sa karamihan ng mga eksperto, hindi ito isang madali o mabilis na journey.

Anong mga pagsusulit ang kailangang ipasa ng mga international nurses?

Bukod sa mga English language requirements, kailangang makapasa ang mga internationally qualified nurse sa dalawang pangunahing pagsusulit:

Bilang isang migrant,magkano ang gastos para maging nurse sa Australia?

Ibinahagi ni Martina na ang OSCE exam ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang $4,000, habang ang preparatory course ay may karagdagang gastos na $2,500. Sa kabuuan, maaaring umabot sa $6,500 ang isang pagtatangka sa bahaging ito ng proseso. Kung sakaling hindi pumasa, kailangan muling magbayad para sa susunod na pagsusulit. Mahalagang palaging suriin ang pinakabagong impormasyon sa mga bayarin, dahil maaaring magbago ito sa paglipas ng panahon.
Karen Grace, the National Director of Professional Practice at the Australian College of Nursing..jpg
Karen Grace, the National Director of Professional Practice at the Australian College of Nursing.

Ano ang mga oportunidad na trabaho para sa international nurses sa Australia?

“Everybody needs to understand the size and scale of this country, and the diverse settings within which healthcare is provided,” panaliwanag ni Karen Grace mula sa Australian College of Nursing.

Mula sa mga health services sa malalayong lugar hanggang sa malalaking ospital sa lungsod, may iba’t ibang landas na maaaring tahakin ng mga international nurse depende sa kanilang interes at nais na lokasyon.

Sulit ba ang paglipat sa Australia bilang nurse?

Sa kabila ng oras, pagod, at gastos, parehong mga eksperto at mga nurse tulad ni Martina ang nagsasabing maaaring maging isang makabuluhan at life-changing na karanasan ang prosesong ito.

“Don’t give up,” she says. “There were moments when I thought I’d never finish. But I stayed determined and focused. Looking back, I can say that everything I’ve done was worth it.”
Disclaimer: Ipinapakita ng artikulong ito ang isang halimbawa ng paglalakbay ng isang migrante tungo sa nursing profession sa Australia. Ang mga impormasyong nakasaad ay tama sa panahon ng paglalathala ngunit maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Para sa mga indibidwal na nagnanais magtrabaho bilang nurse, inirerekomenda ang paghingi ng angkop na payo mula sa mga opisyal na sanggunian gaya ng Australian Health Practitioner Regulation Agency (AHPRA), ang Nursing and Midwifery Board of Australia (NMBA), ang Department of Health and Aged Care, at mga kaugnay na health authorities ng estado o teritoryo at mga propesyonal na samahan o professional associations.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand