Key Points
- Sa Australia, maaari mong itapon ang mga hindi na kailangang electronic devices sa mga itinalagang recycling at e-waste collection points nang libre.
- Ang mga lithium-ion na baterya ay nangangailangan ng ibang paraan ng handling kumpara sa mga karaniwang baterya.
- Ang mga serbisyo at drop-off points sa inyong lugar para itapon ang inyong lumang TV, computer, mobile phone, o iba pang electronic devices ay makikita sa recyclingnearyou.com.au
Ipinapakita ng pinakabagong National Waste Report na ang Australia ay nagpo-produce ng 531,000 tonelada ng e-waste sa loob ng taong 2020-2021.
"Ibig sabihin nito, ang karaniwang tao sa Australia ay mahigit sa 20 kilo ang napo-produce nito, na malayo sa pandaigdigang average na humigit-kumulang pitong kilo bawat tao," sabi ni Rebecca Gilling, CEO ng Planet Ark.
"Mga 54 porsyento nito ay ipinadala para sa recycling, mga 35 porsyento lamang ng mga materyales ang aktwal na narecover."
Ang mga baterya ay ilan sa mga pinakakilalang e-waste item dahil sa kanilang epekto kapag inilagay sa mga karaniwang basurahan sa gilid ng kalsada.
Tinatayang 90 porsyento ng mga nagamit na baterya sa Australia ay napupunta sa landfill, na naglalabas ng mga nakalalasong materyales sa lupa at mga daluyan ng tubig.

Ngunit kapag itinapon nang tama, 95 porsyento ng mga bahagi ng baterya ay maaaring mai-recycle at magamit muli sa mga bagong produkto.
Ang mga awtoridad sa estado at teritoryo ay nakipagtulungan sa B-cycle, national government-backed scheme, na may mga itinalagang drop-off points para sa mga nagamit na household batteries sa mga community recycling centres at malalaking retail outlets.
Kahit na sa pagtatapon ng mga patay na baterya sa isang itinalagang lokasyon, may isang simpleng safety measures na dapat gawin upang maiwasan ang panganib ng pagkakasunog.
Kamakailan, nakakita kami ng ebidensya ng ilang sunog na naganap sa mga recycling centre.Rebecca Gilling, CEO of Planet Ark
Lithium batteries na karaniwang ginagamit sa mga electric bike at scooter.
Ang mga bateryang ito ay nakikita ding ginagamit sa mga portable electronics tulad ng smartphones, laptops, tablets at digital cameras, para sa malalaking bateryang ito ay nakikita ding ginagamit sa electric vehicles, cars, motorcycles, at sa mga grid energy storage sa solar farms.

Pinakamapanganib ang lithium-ion batteries dahil ang lithium ay maituturing na isang explosive metal.
Maari itong dalhin sa mga electronic stores at local waste management services na nag-aalok ng recycling services sa baterya.
Tulad ng Officeworks, Woolworths, Aldi, IGA at Bunnings.

May drop-off points din sa mga luma at hindi na ginagamit na TV , computer pati mga accessries para mai-recycling ng libre, sa pamamagitan ng government-accredited National Television and Computer Recycling Scheme.

Ang mga mobile phones ay maaari ding i-recycle sa pamamagitan ng government-accredited Mobile Muster product-stewardship program.
Bisitahin ang kanilang website, mobilemuster.com.au at ilagay ang iyong postcodepra mahanap ang drop-off points sa inyong lugar.
Para sa anumang electtronic devices at iba pang materyales o gamit sa bahay na hindi na ginagamit, maaari mong mahanap ang angkop na opsyon para sa pagre-recycle at ang pinakamalapit na drop-off location sa pamamagitan ng pagbisita sa recyclingnearyou.com.au

Ano ang gagawin kung magliyab ang electronic device o baterya?
Kung nagsisimulang umusok o nagliliyab ang mga ito:
- Lumikas sa lugar at isara ang mga pinto kung ligtas itong gawin upang mapabagal ang pagkalat ng apoy, tiyakin na walang babalik sa loob ng gusali sa anumang dahilan. Ang mga gas, singaw, at usok mula sa nagliyab na baterya ay lubhang nakalalason at madaling magliyab kaya't huwag itong malanghap.
- Tumawag sa Triple Zero (000) at maghintay sa isang ligtas na lugar hanggang dumating ang mga bumbero..
- Kung may sinumang na-expose sa tumagas na electrolyte, lumilipad na debris, usok o singaw, o apoy, agad na humingi ng medical assistance.








