Matapos ang higit dalawang dekada pinagtagpong muli si Judith at dating minamahal, pero sinubok ito ng tadhana matapos mamatay ang sanggol na sana'y kukumpleto sa kanilang buhay. Paano nga ba nilagpasan ng mag-asawa ang pagsubok?
Key Points
- Taong 2013 dumating sa Perth Australia si Judith para makasama ang asawa, 2015 nabuntis, subalit nakunan.
- Natuklasan ng Gidget Foundation Australia dalawa sa bawat limang magulang sa bansa ay sinasarili ang kalungkutan na nararamdaman matapos ang stillbirth at miscarriage, dahil ayaw nilang maging pabigat sa iba.
- Ayon sa Clinical Psychologist Katie Peterson may mga paraan ang pamilya at mga kaibigan upang suportahan ang mga magulang na nakaranasan ng pagkawala na ito sa pamamagitan ng pag-check sa kanila, pagiging available na makinig, at pag-aalok ng praktikal na suporta kapag kinakailangan.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.
Share





