Hindi inakala ni Dr Earl Pantillano na ang kanyang karanasan bilang Doctors to the Barrio sa Mindanao, sa Pilipinas ang magiging daan upang makarating at makapaglingkod siya sa mga Katutubo sa Australia.
Key Points
- Si Dr Earl Pantillano ay tubong Sta. Mesa, Maynila subalit nagtapos ng medisina sa Davao Medical School Foundation at naging ganap na doktor taong 2001.
- Sa hangaring makapagbigay pabalik sa mga kababayan, nagsagawa sila ng medical missions kasama ang ilang kilalang doktor at ilang taon ding naglingkod bilang Doctors to the Barrio sa Mindanao, Pilipinas.
- Taong 2022 unang naglingkod sa mga Katutubo sa Cape York ang doktor hanggang napunta sa komunidad ng Charleville Queensland na humigit-kumulang 900 kilometro ang layo sa kanyang tirahan.

Sa tuwing bumabalik ako mula sa paglilingkod sa mga komunidad ng First Nations, gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit mabigat ang trabaho at minsan mag-isa akong doktor doon, may malalim na kasiyahan dahil alam kong kahit paano, may naitulong ako.Dr Earl Pantillano, GP sa Indigenous community
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




