Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Bakit kasamang iwinawagayway ang Torres Strait Islander Flag sa Australia? Alamin ang kahulugan nito

Australia Explained – Torres Strait flag

The visibility of the flag can be powerful for Torres Strait Islander people. Credit: Kelly Defina/AFL Photos/via Getty Images

Sa Australia, makikita ang tatlong bandila na sabay na nakawagayway: ang Australian, Aboriginal, at Torres Strait Islander Flag. Iba-iba ang dalawang katutubong grupo ng bansa, may kanya-kanyang kasaysayan, kultura, wika, at bandila. Para sa Torres Strait Islander people, ang kanilang bandila ay simbolo ng pagkakakilanlan at pag-aari, nasaan man sila sa mundo.


Published

Updated

By Nikyah Hutchings

Presented by Lowanna Grant, Shiela Joy Labrador-Cubero

Source: SBS




Share this with family and friends


Sa Australia, makikita ang tatlong bandila na sabay na nakawagayway: ang Australian, Aboriginal, at Torres Strait Islander Flag. Iba-iba ang dalawang katutubong grupo ng bansa, may kanya-kanyang kasaysayan, kultura, wika, at bandila. Para sa Torres Strait Islander people, ang kanilang bandila ay simbolo ng pagkakakilanlan at pag-aari, nasaan man sila sa mundo.


Key Points

  • Ang Torres Strait Islander Flag ay sumisimbolo sa lupa, dagat, at mga tao.
  • Dinisenyo ang bandila noong 1992 ng Torres Strait Islander artist na si Uncle Bernard Namok Sr., at ngayon ay isa na ito sa tatlong pambansang bandila ng Australia.
  • Tampok sa bandila ang kulay na berde, asul, itim, at puting dari (traditional headdress) at isang limang-tulis na bituin na kumakatawan sa limang pangunahing pangkat ng mga isla sa Torres Strait.
  • Para sa marami, ang bandila ay simbolo ng pagkakakilanlan, pagmamalaki, at katatagan at ngayon ay kinikilala at nakikita na sa iba’t ibang panig ng mundo.

Saan nga ba nagmula ang Torres Strait Islander Flag?

Ang Torres Strait Islands ay isang pangkat ng mga isla na matatagpuan sa pagitan ng dulo ng Cape York sa Queensland at ng Papua New Guinea. Ang mga islang ito ay bahagi ng Australia at tahanan ng mga Torres Strait Islander people. Ang mga islang ito ay:

  • Northern Division (Boigu, Dauan, Saibbai)
  • Eastern Islands (Erub, Mer, Ugar)
  • Western Division (St Pauls, Kubin, Badu, Mabuiag)
  • Central Division (Masig, Poruma, Warraber, Iama)
  • Southern Division (Thursday, Horn, Prince of Wales and Hammond Islands, NPA and Mainland Australia.

Noong 1992, nagsagawa ang Island Coordinating Council ng paligsahan para sa disenyo ng bandila ng Torres Strait Islander. Ang nanalo ay si Uncle Bernard Namok mula sa Thursday Island.

Alaala ng kanyang anak na si Bernard Namok Jr. ang mga gabing pinagmamasdan niya ang kanyang ama na gumuguhit ng disenyo sa kanilang hapag-kusina.

Hindi na naabutan ni Uncle Bernard ang tagumpay ng kanyang disenyo bilang simbolo ng kanyang mga tao, ngunit para sa kanyang anak, ang bandila ay patuloy na nag-uugnay sa kanya sa alaala ng kanyang ama.

Australia Explained - Torres Strait flag
The Australian, Indigenous and Torres Strait Islands flags fly together in front of the High Court of Australia in Canberra. Credit: AAP Image/Lukas Coch

Ano ang ibig sabihin ng Torres Strait Islander Flag?

Ang bawat kulay at simbolo ay may kanya-kanyang kahulugan:

  • Green o berde ay lupa
  • Blue o asul ay sumisimbolo sa mga tubig ng Torres Strait.
  • Black o itim ay kumakatawan ito sa mga Torres Strait Islander people.
  • White dari (traditional headdress) sumasagisag sa cultural identity ng mga Torres Strait Islander.
  • White five-pointed star o bituin ay kumakatawan ito sa limang pangunahing pangkat ng mga isla sa Torres Strait.

Si Tyrell Viti, isang Aboriginal at Torres Strait Islander na law student, ay ipinanganak at lumaki sa Thursday Island at ngayon ay naninirahan sa Townsville.

“I feel like it’s a part of our cultural identity in itself,” he says. “It’s a big part of our story. It’s really good to have that sense of representation too. And especially being in a small community, you see this flag, it tells a story of who we are, where we’re going, and how we’re moving forward, past all the injustices since colonisation.

“Our people were considered flora and fauna, and not as people. So for me, this flag speaks for itself. It’s something to make me feel seen as a person, because it’s representing my people.”

Australia Explained - Torres Strait flag
Seeing the flag in public arenas creates a sense of recognition and inclusion. Credit: AAP Image/Lukas Coch

Ano ang pakiramdam ng lumaki na kasama ang bandila?

Parehong lumaki sina Bernard Jr. at Tyrell sa Thursday Island, na inilalarawan nila bilang isang maliit pero masiglang komunidad na puno ng pamilya at kultura.

Para kay Tyrell, ang bandila ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay:

“Seeing flags in places such as courtrooms and just everyday places up in the mainland, it just makes me feel so seen, where I can come from a small island off the mainland. But entering mainland, seeing my flag in a courtroom, seeing my flag at your local post office, seeing some people wearing it on their clothing—it makes me feel like people up here in the mainland have so much love and respect for us up there.

"It just makes us all feel a part of Australia, and how we’re connected and trying to move forward as one.”

Naalala ni Bernard Jr. ang buhay bago pa maging laganap ang bandila. Nasaksihan niya kung paano ito unti-unting kumalat sa mga isla matapos ang paligsahan noong dekada 1990, at ngayon ay nakikita niya ito sa mga lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan nito.

Saan natin nakikita ang bandila?

Sa ngayon, ang Torres Strait Islander Flag ay nakawagayway na sa buong Australia. Makikita mo ito sa labas ng mga paaralan, unibersidad, parlamento, lokal na konseho, at mga korte madalas kasabay ng Aboriginal at Australian flags.

Para kay Tyrell, napakalakas ng mensaheng dala nito. Kapag nakikita niya ang bandila sa mga courtroom, post office, o kahit sa damit ng mga tao, ramdam niyang kinikilala at kabilang siya.

Australia Explained – Torres Strait flag
The flag is a powerful symbol of identity and belonging on the islands, the mainland and overseas. Credit: Danny Lawson/PA/Alamy/AAP Image

Nakita rin ni Bernard Jr. ang Torres Strait Islander Flag sa malalayong lugar mula sa kanyang tahanan. Kasama ang kanyang dokumentaryong Carrying The Flag, nakapaglakbay siya sa mga festival sa ibang bansa at nakita ang bandila sa mga Australian Embassy sa London, Paris, at New York.

Sa tuwing nakikita niya ito, bumabalik siya sa alaala ng kanyang pagkabata sa Thursday Island.

“No matter where I am, when I see the flag, I see my childhood growing up on the island and overlooking my dad's shoulder doing all those sketches.”

Ano ang sinasagisag ng bandila para sa susunod na henerasyon?

Gusto ni Bernard Junior na lumaki ang mga bata na alam at nauunawaan ang kuwento sa likod ng Torres Strait Islander Flag. Dahil dito, nakipagtulungan siya kay Thomas Mayo upang isulat ang children's book na Our Flag, Our Story, na may ang may gawa ng illustration ay si Tori-Jay Mordey.

“I've had a lot of readings at schools, especially around Reconciliation Week and NAIDOC. All the comments that I have from the teachers and school support workers was, the kids really enjoy reading the book.”

Tyrell Viti graduation.JPG
"It's good that we have a flag dedicated and designed by us, for us," Tyrell Viti says. Source: Supplied / Tyrell Viti

“It’s good that we have a flag dedicated and designed by us, for us, to motivate us to continue our journey and move forward, so that we have pride in acknowledging our cultural identity,” ibinahagi ni Tyrell.

Kapag nakikita mo ang Torres Strait Islander Flag, nakikita mo ang isang buhay na simbolo ng lupa, dagat, at mga tao, at ng kulturang patuloy na nabubuhay sa Torres Strait Islands, sa buong Australia, at sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Mag-subscribe o i-follow the Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia. May mga tanong ka ba o paksang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au

    📢 Where to Catch SBS Filipino

    🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

    📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

    📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


    Latest podcast episodes

    Follow SBS Filipino

    Download our apps

    Listen to our podcasts

    Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

    Watch on SBS

    SBS News in Filipino

    Watch it onDemand

    Stream now