Ang forced marriage ay isang krimen sa Australia. Alamin kung saan makakahanap ng tulong at suporta

Bride praying in the attic

Forced marriage most often affects young women and girls, especially those aged 14 to 18. Source: Moment RF / kuroaya/Getty Images

Ang forced marriage ay nangyayari kapag ang isa o parehong tao ay hindi kusang-loob na pumayag, madalas dahil sa banta, pamimilit, panlilinlang, o kung sila ay wala pang 16 taong gulang o may kondisyon na hindi kayang magdesisyon para sa sarili. At ito ay itinuturing na krimen sa Australia.


Key Points
  • Ang pagkakaiba ng arranged marriage at forced marriage ay nasa consent o malayang pagsang-ayon.
  • Sa ilalim ng Crimes Legislation Amendment Act of 2013, ang forced marriage ay itinuturing na krimen sa buong Australia.
  • Maaari itong mangyari kanino man—bata man o matanda, babae o lalaki, at mula sa iba’t ibang kultura o relihiyon.
Maraming tao ang iniisip na nangyayari lang ang forced marriage sa ibang bansa. Pero ang totoo, nangyayari rin ito dito mismo sa Australia.

Noong 2023–24, tumugon ang Australian Federal Police sa 91 na ulat ng forced marriage, na halos kapat ng lahat ng kaso ng human trafficking noong taon na iyon.

Ano ang mga available na suporta sa Australia sa mga taong apektado ng forced marriage?

  • Red Cross Tumawag sa 1-800-113-015 o mag-email sa national_stpp@redcross.org.au.
  • Forced Marriage Specialist Support Program (FMSSP) na nakatuon sa prevention at early intervention support. Puwedeng mag-self-refer ang mga indibidwal sa programang ito at makipag-ugnayan sa 1800 403 213 o bisitahin ang kanilang website.
  • Para sa emergency i-dial (000)
Close up of decisive woman take off wedding ring make decision breaking up with husband
The Australian Federal Police responded to 91 reports of forced marriages in 2023-24, making up nearly a quarter of all human trafficking cases that year.   Source: iStockphoto / dragana991/Getty Images/iStockphoto
Syrian Refugees' Young Brides
In some cultures, arranged marriages are common, but the key difference from forced marriages is consent. (Photo by Lynsey Addario/Getty Images Reportage) Credit: Lynsey Addario/Getty Images
Kung ikaw o may kakilala kang apektado ng family at domestic violence, tumawag sa 1800RESPECT (1800 737 732), mag-text sa 0458 737 732, o bisitahin ang 1800RESPECT.org.au. Sa oras ng emergency, tumawag agad sa 000.

The Men’s Referral Service, operated by No to Violence, can be contacted on 1300 766 491. 
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips para sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.  

May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand