Dating o matchmaking: Alamin paano makahanap ng partner o pag-ibig sa Australia?

Wide shot with copy space of couple sharing a dessert in cafe

Where should you start looking for dates in Australia?   Credit: Janina Steinmetz/Getty Images

Maraming bagong migrante sa Australia ang naghahanap ng relasyon upang makaramdam muli ng koneksyon at pag-aangkin. Ipinapakita ng episode na ito kung paano naiiba ang pakikipag-date sa Australia at kung paano makakahanap ng partner ang mga migrante sa pamamagitan ng social events, dating apps, at matchmaking.


Key Points
  • Sa Australia, medyo hindi karaniwan ang pagsisimula ng relasyon sa pamamagitan ng arranged circumstances o pinagkasundo.
  • Layunin ng mga matchmaking service sa Australia na pagtagpuin ang mga single na naghahanap ng seryoso at long-term relationships.
  • Ang mga dating app ay platforms kung saan gumagawa ang mga gumagamit ng profile, nagmamatch sa iba, at nag-uusap bago magkita nang personal.
Si Gery Karantzas ay isang propesor ng Psychology and Relationship Science sa Deakin University. Siya rin ang Direktor ng Science of Adult Relationships Laboratory at isang couple’s therapist.

Ayon kay Gery, ang paghahanap ng kapareha ay hindi lang basta tungkol sa pag-ibig, kundi tungkol din sa pagnanais na maramdaman mong kabilang ka, na may koneksyon at may nagmamalasakit sa’yo.

"When we separate from very familiar places that we've either grown up in or learned to, to be a part of in society, and that often is also where our close family and friends are connected, that when we leave those countries, when we leave those areas, it's very common for people to experience a sense of loneliness and a sense of isolation. And we as human beings have a need to belong."

Ayon kay Propesor Karantzas, ang pagkakalayo sa mga mahal natin sa buhay ay madalas nagdudulot ng stress at kaba, isa itong natural na tugon sa ganitong sitwasyon.

"One way for us to be able to deal with that distress when we know that the ability to be able to be close to them and to hug them and to be with them when we come into a foreign country is to try to connect with other people.

Oftentimes, it can be people that are from a like-minded community or a similar cultural background, if not the same cultural background, because there's already some shared common interests, values, belief systems that can already make us feel like we're part of something."

Ngunit sa Australia, kadalasan iba ang paraan ng pagsisimula ng relasyon kumpara sa ibang bansa.
Group of joyful young Asian man and woman chatting, having fun and toasting with red wine during party
Speed dating is a social event where single people meet multiple potential partners through a series of short, timed one-on-one conversations. Credit: AsiaVision/Getty Images
Multiracial couple sitting on the couch happily watching a mobile phone screen
Dating apps are online platforms, either web-based or mobile, that enable users to create a profile, match with others, and engage in online chat before meeting in person. Source: Moment RF / Fotografía de eLuVe/Getty Images
1000009874.jpg
Tre and Yovnne with their child.
Ang matchmaking ay nagbibigay ng mas malalim na pananaw kumpara sa mga dating app.

Hindi lahat ang lumalapit sa coach o matchmaker. Marami ang nakakatagpo ng pag-ibig sa pamamagitan ng community sports, language classes, o volunteer work.

Nakaka-excite man ang paghahanap ng pag-ibig, ngunit may mga panganib din itong kaakibat.

Babala si Andrew Gung na isang dating at relationship men’s coach sa Melbourne, tungkol sa mga online scammer sa pakikipagrelasyon.

Kung makikipagkita ka sa bagong kakilala, siguraduhing sa pampublikong lugar, ipaalam sa kaibigan kung saan ka pupunta, at huwag kailanman magbahagi ng mga impormasyong tungkol sa pera o pinansyal.

Kung ikaw, o may kakilala kang nakararanas ng karahasan sa tahanan o pamilya, may tutulong sa’yo.
Tumawag sa 1800RESPECT sa 1800 737 732, mag-text sa 0458 737 732, o bumisita sa 1800RESPECT.org.au para sa suporta at payo.
At kung ito ay emergency, agad tumawag sa 000. Ang Men’s Referral Service, na pinamamahalaan ng No to Violence, ay maaaring tawagan sa 1300 766 491.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.   

May mga tanong, paksa o ideya ka bang gustong pag-usapang? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au 


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand