Kasunod ng isang torneo na puno ng aksyon ng drama, ang huling laro sa Luzhniki Stadium sa Moscow ay di pahuhuli sa mga nagdaang laro nang magpakitang-gilas and Les Bleus sa pamamagitan ng 18th-minute own goal ni Mario Mandzukic - na sinasabing 'cruel role reversal' para sa extra-time hero ng Croatia sa pagkapanalo nito sa semi-final laban sa England.
Tinapatan ng panig ni Ante Dalic ang strike ni Ivan Perisic bago maglabas ng desisyon ang VAR sa Inter player.
Kinonvert ni Griezmann ang kanyang ika-apat na torneo mula sa 12 yarda bago inangat ng Croatia ang kanilang depensa laban sa kanilang katunggali sa simula ng second half.
isang pitch invasion mula sa punk protest group na Pussy Rioy sa ika-52 minuto na tila naging angkop sa mga sumunod na pangyayari, sa pammagitan ng majestic strikes na pinamalas ni Pogba at Mbappe.

(Reuters) Source: X00177
Di alintana ng goalkeeper ng France na si Hugo Lloris ang kanyang pagkakamali, nang makalusot si Mandzukic. Nakilala din si Didier Deschamps bilang ikatlong manlalaro na nanalo sa World Cup bilang parehong manlalaro at coach. Si Deschamps ay kapitan ng panig ng Les Bleus na dating nagdala ng tropeo noong 1998.
BASAHIN DIN: