Mandzukic, pinahanga ang England sa kanyang extra-time strike at nagpanalo sa Croatia sa kanilang unang World Cup final

Extra-time strike ni Mario Mandzukic nagbigay-daan para sa Croatia na matalo ang England 2-1 sa Moscow na nagdala sa kanila sa kanilang pinakaunang FIFA World Cup final.

Croatia v England - FIFA World Cup 2018 - Semi Final - Luzhniki Stadium

El número 10 de Croacia, Luka Modric, celebra con sus compañeros el paso a la final de la Copa Mundo, por primera vez para su país. Source: Tim Goode/PA Images via Getty Images

Maganda ang naging panimula ng England sa early goal ni Kieran Trippier at sa halos kabuuan ng laro, naging daan sana ito para makapasok sa final sa unang pagkakataon mula pa nong 1966, ngunit di nagaksaya ng panahon ang Croatia at tinalo nila ang Three Lions sa extra time, sa pamamagitan ng decisive blow ni Mandzukic.
 Mario Mandzukic (C) of Croatia scores the 2-1 lead against England's goalkeeper Jordan Pickford (L) during the FIFA World Cup 2018 semi final
Mario Mandzukic (C) of Croatia scores the 2-1 lead against England's goalkeeper Jordan Pickford (L) during the FIFA World Cup 2018 semi final Source: AAP
Naging kampante si Gareth Southgate sa kanyang koponan, at pansamantala umasa silang magpapatuloy ng maganda ang kanilang laban, nang makalusot si Trippier at naka-score ng free kick sa ika-limang minuto. 

Umabante ang depensa ng Croatia sa simula ng second period, at tinapatan nila ang England - Nagpamalas ng magandang pagtatapos si Ivan Perisic sa ika-68 na minuto ng laro. 

Hindi nagpatalo ang England at sinubukan pa nitong makakuha ng karagdagang 30 minuto at ipinakita ang lakas ng kanilang depensa sa karagdagang oras ng laro. 

Ngunit pinanatili ng Croatia ang kanilang pokus at tumira si Mandzukic sa ika-109 na minuto, at tinalo ang England kung kaya't di na ito nakapasok  sa finals laban sa France na nakatakda sa Linggo, habang nakakasa na ang mga manlalaro ni Zlatko Dalic para sa kanilang unang World Cup title. 

BASAHIN DIN:

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Omnisport

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mandzukic, pinahanga ang England sa kanyang extra-time strike at nagpanalo sa Croatia sa kanilang unang World Cup final | SBS Filipino