Goal ni Umtiti, nagdala sa France sa final World Cup

Si Samuel Umtiti ang nagdala ng laro para makapasok ang France sa 2018 FIFA World Cup final sa ikatlong pagkakataon sa loob ng 20 taon sa pamamagitan ng 1-0 na panalo laban sa Belgium sa St Petersburg noong Miyerkules (AEST).

Pogba

Francia celebra el gol contra Bélgica Source: Getty Images

Ang defender ng France na si Umtiti ay nakakuha ng corner mula kay Antoine Griezmann sa ika-51 minuto para maikasa ang all-European tie, na siyang magdadala sa Les Bleus sa Moscow at makakalaban nila ang alinman sa dalawa-Croatia o England.

Ang mga goalkeeper na si Hugo Lloeis at Thibaut Courtois ay parehong may smart saves upang matiyak na hindi maka-iskor ang England sa interval. 

Gayunpaman, pinasigla ni Umtiti ang laban sa umpisa ng second half, nang makaiskor sya ng kanyang ikatlong international goal. 

Tinangkang tapatan ng Belgium ang France ngunit pinanood lamang ni Roberto Martinez ang kanyang koponan sa kanilang unang pagkatalo sa 25 outings, na nagwakas sa kanilang pag-asa na maipanalo ang torneo sa unang pagkakataon. 

Talunan man silang finalists noong Euro 2016 sa kanilang home soil, layunin ng France na tularan ang matagumpay na squad ng 1998 na kinabilangan ni Didier Deschamps, na maaring tularan si Mario Xagallo at Franz Beckenbauer sa pamamagitan ng pagkapanalo sa World Cup bilang manlalaro at manager. 

 Gayunpaman, ang ilang mga pagbabago ay hindi naging hadlang sa mga top-scorer na umabante sa first-half, parehong nagsumikap ang dalawang koponan upang manalo. 

Si Eden Hazard ay muntikan nang maka-goal ng dalawang beses, at namintis ng kaunti sa target. 

Ang full-length dive ni Lloris ay nag-umpisa ng first-time strike mula sa Tottenham na kasamahan na si Toby Alderweireld, habang mabilis na tumugon si Courtois upang harangan ang pagtatangka ni Benjamin Pavard mula sa masikip na anggulo sa kabilang dulo. 

Nabigo si Olivier Giroud kay Courtois nang makakita siya ng clear sight sa goal ni Kylian Mbappe, habang naghahanda sya sa kanyang attempt.
France's forward Olivier Giroud (L) vies for the ball with Belgium's defender Vincent Kompany during the Russia 2018 World Cup.
France's forward Olivier Giroud (L) vies for the ball with Belgium's defender Vincent Kompany during the Russia 2018 World Cup. Source: GABRIEL BOUYS/AFP/Getty Images
Gayunpaman, kailangan lang ng France na anim na minuto pagkatapos ng break para magkaroon ng bentahe. 

Pagtapos ng pagharang ni Vincent Kompany sa tira ni Giroud, ang delivery ni Griezmann sa front post ay ipinasa ni Umtiti, na tumalo kay Marouane Fellaini. 

Si Martinez-na nakakita sa kanyang team na mag-rally sa two-goal deficit sa huling 16 tie laban sa Japan- ay tumugon sa goal sa pamamagitan ng pagpapadala kay Dries Mertens bilang kapalit ni Mousa Dembele. 

Sinubukan ni Axel Witsel si Lloris ngunit nagtagumpay ang France na pigilan ang kanilang kalaban para makapasok sa laro sa Moscow. 

BASAHIN DIN:

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Omnisport

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand