Puno ng paghihirap, kagalakan at sorpresa ang mga naging kaganapan ngayong taong ito nang matanggal na ang mga pinakamagagaling na koponan ng Germany, Portugal, Argentina, at Spain sa 2018 FIFA World Cup.
Ang host nation Russia ay pasok na sa quarter-finals, habang marami naman ang nagdadalamhati sa pagkatalo ng Spain.
Dinomina ng Spain ang laban sa Moscow, subalit nakakuha lamang ito ng isa goal.
Ang Russian goalkeeper na si Igor Akinfeeev ay nakakuha ng dalawang save, dahilan upang mapanalo ng Russia ang shootout, 4-3, at maka-abante sa quarter-finals.
“Sa second half, maraming opportunity na makascore yung bawat team dahil sa magagaling na goalkeeper tulad ni Igor Akinfeeev. Naging 1-1 ang score at nauwi ito sa extension time, kung saan bawat half ay may 15 minutes,” sabi ni Bedia.
Walang naitalang goal sa natitirang 49 na minuto ng regular time-o kalahating oras ng extra time, na nagdulot ng penalty shootout.
Ang Russia ay nasa pinakamababang ranggo sa mga kalahok. Gayunpaman, naging pabor para sa Russia ang home field advantage.
“Kung ikaw ay nasa teritoryo mo, malakas ang loob mo. Kaya isa rin ito sa mga rason kung bakit nanalo ang Russia at halos lahat ay hindi makapaniwala na matalo nila ang Spain,” sabi ni Bedia.
Ang France, Croatia at Russia ay pasok na sa quarter-finals.
Malalaman natin sa mga susunod na araw kung ang Switzerland, Brazil, Mexico at Sweden ay makakalahok sa mga susunod na yugto ng torneo.
ALSO READ: